ni NORA V. CALDERON

“Magkapatid” na ngayong maituturing ang mag-sweetheart na Bianca Umali at Ruru Madrid, dahil isa na palang binyagan ng Iglesia ni Cristo (INC) ang actress. Dati na palang gusto talaga ni Bianca na sumapi sa INC at naging tulay nga niya si Ruru para matupad iyon. Bininyagan si Bianca noong December 23, 2020.

Sa kasalukuyan ay tinatapos ni Bianca ang lock-in taping nila ng Legal Wives na malapit nang mapanood sa GMAPrimetime block, kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Andrea Torres sa direksyon ni Zig Dulay.

Si Ruru naman ay kasalukuyang naghahanda sa lock-in taping ng Lolong, kasama sina Shaira Diaz at Arra San Agustin, matapos ang kanilang physical training.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay