ni Ador V. Saluta
Inabangan ng madlang pipol, subali’t hindi nangyari ang inaasahan na isi-celebrate ni Anne Curtis ang kanyang 36th birthday sa live telecast ng programang It’s Showtime nitong Miyerkules.

Bagama’t absent, hindi naman nagkulang ang kanyang It’s Showtime family na batiin siya sa kanyang kaarawan.
Mensahe ni Vice Ganda, “At dahil dapat mukhang dyosa katulad na lamang ng mahal na mahal ko at mahal na mahal nating lahat at miss na miss na natin na sisterette ko na nagbi-birthday ngayon, batiin natin nang sabay-sabay... Happy birthday, Anne Curtis!!!”
Nagkuwento pa si Vice.
“Tinawagan ko siya kanina, nagpapadede. Ang cute-cute ni Dahlia.”
Hindi lang mga fans ni Anne ang nais na siyang makabalik sa It’s Showtime, after a year in Australia.
Bagama’t walang Anne’s special birthday celebration sa show, marami namang sumorpresa sa actress-host kinabukasan sa kanyang paggising dahil sa dami ng greetings na kanyang natanggap mula sa kanyang fans at supporters.
Sorpresa din kay Anne ang pagti-trending sa Twitter ng kanyang 36th birthday na may hashtag na #AnneCurtisJourneyAt36 kaya’t taos-puso ang kanyang pasasalamat sa lahat ng bumati.
Sey ni Anne, “Woke up to this. Thank you so much my loves in the Twitter world!!!! Sending our virtual hugs and kisses to you all!”.