ni Bella Gamotea
Inaresto ng mga awtoridad ang isang senior citizen at kasama nito dahil umano sa panunuhol sa ikinasang entrapment operation sa loob mismo ng isang presinto sa Las Piñas City, nitong Miyerkules ng hapon.
Kinilala ni Las Piñas City chief, Col. Rodel Pastor, ang mga suspek na sina Marissa Rogero, 65, at taga-San Nicolas 1, Bacoor, Cavite at Nenita Rojo,43,may kinakasama, ng nasabi ring lugar.
Sa ulat ni Cpl. Mark Anthony Lulu, may hawak ng kaso, dinakip ang dalawa nang suhulan umano ng mga ito ang mga pulis kapalit ng kalayaan ng tatlong suspek na inaresto naman sa paglabag Batas Pambansa 6, alarm and scandal at City ordinance (mandatory of wearing face mask).
Nahaharap ang dalawa sa kaukulang kaso.