IPINAMALAS ni Grandmaster Rogelio “Banjo” Bacenilla Jr. ag kanyang galing para pangunahan ang Laguna Heroes sa 17.5- 3.5 sa pag-giba sa Iriga City Oragons sa All Filipino Conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) nitong Miyerkoles sa online tournament sa lichess platform.

Ang dating two-time Asian Junior champion Barcenilla ay naka resbak matapos matalo kay Grandmaster Joey Antonio ng Iloilo Kisela Knights, 2-1, ng payukuin si National Master Glennen Artuz sa 34 moves ng King’s Indian defense sa blitz portion kasunod ng pamamayagpag na 25 pushes ng London System Opening sa rapid play.

Dahil sa natamong tagumpay, natulungan ni Barcenilla ang Laguna Heroes ni Team Owner-Playing Coach Arena Grandmaster Dr. Alfredo “Fred” Paez na makabawi sa 8.5-12.5 kabiguan sa Iloilo Kisela Knights para iakyat ang Heroes sa 3rd spot na may 12-3 win-loss record sa Northern Division sa likod ng tournament co-leaders Caloocan Loadmanna Knights at San Juan Predators na may parehong 14-1 marka.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!