Ni BELLA GAMOTEA

Masamang balita sa mga motorista.

Nagbabadyang magpatupad ng malaking dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P1.00 hanggang P1.05 ang presyo ng kada litro ng diesel; PP0.95 – P1.00 sa kerosene at P0.80- P0.90 sa gasolina.

Internasyonal

3 menor de edad na magkakapatid, nagpatiwakal matapos pagbawalang gumamit ng cellphone!

Ang napipintong panibagong oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan .

Malimit magpatupad ng price adjustment ang mga kumpanya ng langis sa araw ng Martes.

Nitong Pebrero 2 nagtaas ng 25 sentimos sa presyo ng gasolina kasabay ng bawas-presyo na 25 sentimos sa kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng diesel