Ni ALEXANDRIA SAN JUAN

Binuksan na muli sa mga turista ang Baguio City sa kabila ng ipinaiiral na mahigpit na community quarantine status nito.

Ito ang inanunsyo kahapon ng Department of Tourism (DOT) matapos na maglabas ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases na nag-aapruba sa kahilingan ng city government na ipagpatuloy na nito ang hotel operations sa lugar kung saan isinaalang-alang ang dami ng bilang ng nagkumpirma ng kanilang booking ngayong buwan.

“Given Baguio City’s visitor information, registration and contract tracing system, and the assurance to undertake stricter measures to make it work, we objectively endorsed the request to the IATF for guidance,” ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Eleksyon

Voter registration sa BARMM para sa BSKE 2026, tuloy ngayong Pebrero

Sa ilalim ng nasabing resolusyon, pinahintulan ng pandemic task force ng gobyerno ang mga hotel at iba pang accommodation estalishment sa lungsod na tumanggap ng mga biyahero “for leisure purposes” kahit na nasa general community quarantine pa rin ang lugar basta patuloy na ipinatutupad ang health at safety protocols at contact tracing measures.”