NAISIN man ng PBA na makapagdaos ng tatlong conferences para sa kanilang 46th season ay tila walang kasiguruhan dahil sa kasalukuyang sitwasyon dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, kumpiyansa silang makapagdaraos muli ng Philippine Cup sa susunod na season, ngunit pagdating sa Commissioner’s Cup at Governor’s Cup ay wala silang katiyakan.
Nagawang ipagpatuloy at tapusin ng PBA ang All-Filipino conference noong nakaraang 45th season sa pamamagitan ng pagdaraos nito sa loob ng isang bubble sa Clark, Pampanga.
Ayon pa kay Marcial, babantayan nila ang sitwasyon sa bansa at mga ipapatupad na regulasyon kung posibleng makapagdaos ng mga import-laced conferences sa susunod na taon.
Buwan ng Abril ang target ng PBA na simulan ang kanilang susunod na season.
-Marivic Awitan