STA. ROSA CITY, Laguna – Napatay ang dalawang umano’y miyembro ng drug group nang makipagbarilan sa mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Tagapo sa nasabing lungsod, nitong Sabado.
Sa ulat ni Laguna Police provincial director Col. Serafin Petalio II, nakilala ang mga suspek na sina Gerald Samson, 29, binata at taga-Southville 5A, Bgy. Langkiwa, Biñan City, Laguna, at Jomard Santos Bolajo, 27, at taga-Bgy. Putatan, Muntinlupa City.
Sa pahayag ng pulisya, ang dalawa ay miyembro ng Almazan drug group na nag-o-operate sa nasabing lungsod.
lumaban umano ang dalawang suspek nang isailalim sila sa buy-bust operation na nagresulta sa kanilang pagkamatay.
Aabot sa P330,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawa, bukod pa ang tatlong baril, mga bala at isang tricycle.
-Danny Estacio