TAONG 2015 ng mabuo ang indie folk /pop band Ben&Ben. Ilan lamang sa mga sikat na awitin ay Ride Home, Maybe the Night, Make It With You at ang officially acclaimed Kathang Isip.
Bibida sa kanilang upcoming music video para sa new single Sa Susunod na Habang Buhay ang popular couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ibinahagi ito sa unveiling ng teaser image para sa video. Makikita ang dalawa cuddling habang magkahawak kamay.
Mid-’90s, ng sumikat ang pop band True Faith. Nagbabalik ang grupo sa bagong single Your Ready-Smile. It offers groovy at upbeat new wave sound na trademark ng pop band. Ayon sa lyrics ng kanta, a loving smile ay may dulot na aliw at ginhawa sa panahong puno ng alinlangan at pagdurusa.
-Remy Umerez