Nakatakdang ipatawag ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang mga opisyal ng North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) kaugnay ng palpak na implementasyon ng cashless transaction system ng mga ito.

Ito ang tiniyak ni ARTA Director General Jeremiah Belgica at sinabing layunin ng pagpupulong na matalakay ang nasabing problema na naging sanhi ng matinding trapiko, lalo na sa sakop ng Valenzuela City.

Inilabas ng ARTA ang pahayag bilang tugon sa pagsuspindi ng Valenzuela City sa business permit ng NLEX Corporation kaugnay ng nasabing usapin. Bukod dito, plano rin ng ahensya na magsumite ng rekomendasyon upang mapabuti ang toll operations sa bansa.

Idinahilan pa ni Belgica na kasama sa mandato ng ahensya na maglabas ng policy recommendations kapag nakita nito na palpak ang serbisyo

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

-ARGYLL CYRUS GEDUCOS