MAS tumibay ang pag-asa na makukuha ni Ivory Coast-native Angelo Kouame ng Ateneo ang hinahangad na maging naturalized Filipino.

Inihain noong nakaraang Enero ni Antipolo City 1st District representative Robbie Puno sa Kongreso ang House Bill No. 5951 na humihiling na gawaran ng Philippine citizenship ang Ivorian cager.

Nito namang Oktubre 22, inihain naman ni Senador Sonny Angara ang Senate Bill 1892 bilang counterpart ng bill ni Puno sa Senado.

Ngunit, kahit pa maging naturalized citizen, gaya nina Marcus Douthit at Andray Blatche, hindi maaaring maglaro ang 6-foot- 11 na si Kouame sa PBA.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pagdating naman sa UAAP, kung saan ang klasipikasyon ng kanilang mga atleta ay Filipino citizen o dayuhan, kaya hindi na soya ituturing na foreign student-athlete.

At dahil bawat team sa UAAP ay pinapayagan na magkaroon ng isang foreign student athlete (FSA), maaari na uling kumuha ng isang FSA ang Ateneo.

Kasalukuyang nasa reserved list nila ang 20-anyos na si Kofi Agyei ng Ghana at 21-anyos na si Joseph Obasa ng Nigeria. Si Agyei ay may taas na 6-foot-5, habang si Obasa naman ay 6-foot-10.

Samantala, may nalalabi pang tatlong taon ng eligibility si Kouame para sa Ateneo.

-Marivic Awitan