Tuloy ang pagdaraos ng tradisyunal na Simbang Gabi sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, isasagawa ang Simbang Gabi sa Kartilya ng Katipunan tuwing 8:00 ng gabi, simula sa Disyembre 15, sa pamamagitan ng Simbahan ng Quiapo.
“Let the City of Manila be the beacon of hope during this season,” pahayag ni Moreno. “We will not be stopped by this pandemic.”
Ilulunsad rin ng City Government ang ‘Paskuhan sa Maynila’ na isang buwang Christmas bazaar upang tulungan ang mga negosyante at magbigay ng trabaho sa mga Manilenyo.
Magkakaroon ng coffee festival na tatawaging ‘Kape’t Luntian’ ang Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) sa Bonifacio Shrine Garden.
Patuloy ring inihahanda ng lokal na pamahalaan ang mga ‘Christmas food packages’ para sa 650,000 pamilya sa Maynila at ‘gift packs’ para sa senior citizens.
Mary Ann Santiago