Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte ng transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng gobyerno para sa relief assistance sa mga pamayanan na sinalanta ng bagyong “Rolly.”
Tiniyak ng Pangulo na ang mga pondo ng gobyerno ay mapupunta sa mga inilaang benepisyaryo upang hindi mapahaba ang kanilang “paghihirap” mula sa kalamidad.
Naglabas ng pahayag si Duterte matapos iulat ni Budget Secretary Wendel Avisado na national disaster risk and management fund ng gobyerno ay umabot sa P3.6 bilyon sa pulong ng pagtugon sa sakuna nitong Lunes.
Ang calamity funds, sinabi ni Avisado, ay naunang punan ng P5 bilyon batay sa batas ng Bayanihan 2.
“I hope we have explained to the people what we have done to meet the challenges of the moment,” sinabi ni Duterte sa pagtitipon kasama angCabinet members at iba pang mga opisyal sa Malago clubhouse sa Malacañang Park nitong Lunes.
“And I hope that you have clearly understood that the money that we are spending will be really spent for the people and we will hold ourselves accountable for it. So huwag kayong mag-alala-alala. Magtatrabaho tayong lahat,” dugtong niya.
Nagbabala rin si Duterte laban sa pondo ng gobyerno na mapupunta sa bulsa ng sinumang tiwaling na tagapaglingkod publiko.
“Ang masakit sa taong-bayan ‘yung alam nila na may pera na dapat para sa kanila, in this case the assistance, tapos walang dumating at pinurdoy, somebody goes out to embezzle or abscond with the money, iyan ang masakit,” aniya.
Genalyn Kabiling