BALIK-TAPING na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa mga fresh episodes ng OFW documentary show na Tadhana. At thankful si Marian dahil pumayag ang GMA Network na ang magdirek ng shoot niya ay ang asawang si Dingdong Dantes. At dahil sa community quarantine, sa bahay lamang sila nag-shoot ng mga spiels ni Marian.

marian at ding dong

“Medyo nag-a-adjust pa rin sa mga trabaho dahil syempre sanay tayo na lumalabas ng bahay ‘pag nagtatrabaho,”pahayag ni Marian sa 24 Oras. “Pero this time, dito sa loob ng bahay namin ko halos ginagawa ang lahat ng trabaho.”

Humahanga naman si Dingdong sa asawa: “Ang saya. E, ikaw (Marian) ba naman ang laging nakikita ko sa harap ng lente ko. Very prepared parati, very professional. Higit sa lahat, mahusay talaga.”

Tsika at Intriga

Nawawalang VMX star na si Karen Lopez, 'nagpahinga' lang

Samantala, ngayon ay tapos na ni Dingdong ang mga fresh episodes ng Descendants of the Sun Ph, kaya marami nang naghihintay sa pagbabalik ng primetime series sa GMA Telebabad.

-NORA V. CALDERON