HINDI nagpahuli si Clint Aranas ng Philippine Archery Federation sa pagpahayag ng kanyang tiket para sa gaganaping POC election sa Nobyembre 27.
Matapos ang naunang balita na pagtakbo sa pagkapangulo, nagdesisyon si athletics president Philip Ella Juico na sumama kay Aranas at tumakbo sa posisyon bilang first vice president. Katuwang niya si Ada Milby ng Rugby Federation bilang second VP at si bowling chief Steve Hontiveros bilang Chairman.
Nauna nang ipinahayag ni POC chief Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang kanyang grupo na binubo nina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio (1st VP) at encing chief Richard Gomez (2nd VP).
-Bert de Guzman