INAYOS na ng Israel ang relasyon nito sa dalawang Arab states—sa Bahrain at United Emirates (UAE) – nitong nagdaang Martes sa isang seremonya na isinagawa sa White House sa Washington, DC, United States. Sila ang unang Arab states na nagtatag ng pakikipag-ugnayan sa Israel mula nang sa Egypt noong 1979 at Jordan noong 1994.
“After decades of division and conflict, we mark the dawn of a new Middle East,” pahayag ni US President Donald Trump habang nilalagdaan ang kasunduan nina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, Bahrain Foreign Minister Abdullatiff al-Zatani, at UAE Foreign Minister Abdllah bin Zayed al-Nahyan.
Nagpaalala ang ginanap sa seremonya sa White House sa katulad na kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan noong Setyembre, 1993, nang pangunahan ni dating President Bill Clinton ang seremonyal na kasunduan sa pagitan nina Israeli Foreign Minister Shimon Peres at Palestinian Liberation Organization (PLO) foreign policy official Mahmoud Abbas. Gayunman, nabigo ang kasunduan na makamit ang pagwawakas ng sigalot sa pagitan ng Israeli-Palestinian, na nagpapatuloy hanggang sa ngayon.
Mauugat ang poot ng mga Arabo sa mga Hudyo sa sinaunang pinagmulan nito. Sa Bibliya, nabanggit ang pagsakop ng mga Israelita sa Canaan west sa ilog ng Jordan, ang lupang ipinangako sa kanila ng Panginoong Diyos ng Israel. Sa modernong panahon, pinaglalabanan ng mga Hudyo at Arabo ang teritoryo sa pag-alis ng mga Briton. Noong Mayo 14, 1948, nang iproklama ang State of Israel, umatake ang limang Arabong bansa bilang suporta sa Palestinians. Nakipaglaban ang mga Israelis laban sa hukbo ng Arab at nakamkam ang ilang substantial territory na orihinal na inilaan para sa mga Arabo noong 1947 United Nations partition of Palestine.
May mahalagang tungkulin ang Pilipinas sa modernong kasaysayan ng Israel. Nang simulan ng mga Nazi ang kanilang programa na pagpatay sa mga Hudyo sa Holocaust noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binuksan ni Pangulong Manuel Quezon ang ilang lugar sa Maynila at Mindanao kung saan sila maaaring makapamuhay ng payapa. Makalipas ang pitong taon, nakatulong ang boto ng Pilipinas na pinamumunuan noon ni Pangulong Manuel Roxas, sa isang tie-breaking na botohan sa United Nations upang maitatag ang Israel bilang estado. Sa kasalukuyan, may isang “Open Doors” na monument sa Holocaust Memorial Park sa bayan ng Rishon LeZion sa Israel bilang pagkilala sa pagkakaibigan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Hudyo.
Kaya naman ikinalulugod natin ang naging paglagda kamakailan sa kasunduan sa pagitan ng Israel at dalawang Arab states ng Bahrain at UAE. Sinabi pa ni President Trump na inaasahan ding lalagda ang Israel ng katulad na kasunduan sa siyam pang bansa sa Gitnang Silangan, kabilang ang Saudi Arabia.
Inaasahang makatutulong ang kasunduan sa Israel, Bahrain, at UAE sa pagsisikap na buhayin ang kanilang mga ekonomiya na apektado ng COVID-19 pandemic. Isa itong malaking hakbang para sa kapayapaan ng rehiyon sa pagtatapos ng dalawang Arab state ng kanilang galit sa
Jewish state na nasaksihan ng mundo ang matinding komprontasyon at labanan sa nakalipas na mga siglo.