HINDI na lamang silahis ng araw, bagkus banaag na ang maliwanag sa kinabukasan para sa Pinoy chess athletes.

Tinanggap at inaprubahan nitong Huwebes ng Games and Amusements Board (GAB) ang aplikasyon ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) bilang kauna-unahang professional organization para sa chess sa Pilipinas.

At kung hindi nagkakamali ng hinuwa, sinabi ni Eugene Torre, kauna-unahang Asyano na tinanghal na chess Grandmaster, ang PCAP ang kauna-unahan na magsasagawa ng professional league sa buong Southeast Asia.

“Sa India ginagawa na rin nila ito sa professional. Pero sa Southeast Asia tayo ang una na may professional chess. Sa Europe matagal nang may pro league yung Bundesliga, kaya sobrang magagaling ang kanilang mga players,” pahayag ni Torre, isa sa resource speaker sa isinagawang online media conference ng GAB sa Google media at livestream sa Facebook page ng ahensiya.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Matagal na itong pangarap ng maraming chess player sa Pilipinas kasama na ako, kaya nagpapasalamat ako sa GAB at sa PCAP sa pagkakaisang ito. Kami sa National Chess Federation ay kaisa rin ninyo dito,” pahayag ng chess icon na isa ring opisyal ng NCFP na nangangasiwa sa amateur ng chess.

Batay sa resolusyon na nilagdaan nina GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at Commissioners Atty. Ed Trinidad at Mar Masanguid, inaprubahan ng ahensiya ang PCAP bilang hakbang para sa adhikain na mapataas ang antas ng level ng chess sa Pilipinas at masiguro na protektado ang lahat na makikiisa rito.

“Even the arbiters at iba pang konektadong opisyal sa PCAP ay kailangan pong malisensyahan ng GAB. Although tiwala po kami sa pamunuan ng PCAP na magagawa nilang maisaayos ang organisasyon at liga, kailangan din pong masiguro ang proteksyon ng lahat ng sangkotd dito sa anumang uri ng pang-aabuso,” pahayag ni Mitra.

“We are proud at GAB that the Philippines will have its 1st Professional Chess League. PCAP is to chess what PBA/NBA is to basketball. Also, PCAP will organize Professional Team Chess League. The Philippines has close to half million chess enthusiasts, worldwide active players are about half billion. We want to place chess players in comparable stature as other professional athletes,” sambit ng dating Palawan Governor at Congressman.

Pinasalamatan naman ni PCAP founding commissioner Atty. Paul Elauria ang suporta ng GAB at ang pagtanggap ng mga chess icons sa konsepto na kanilang binuo para maitaas ang antas hindi lamang sa talento bagkus ang abang kabuhayan ng mga Pinoy chess players.

“Binuo namin ang PCAP upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga players. Hindi po lahat nakukuha sa National Team, kaya yung ibang talented players may mapupuntahan na with assured sustainability sa kanilang kabuhayan,” pahayag ni Elauria.

Nilinaw din ni Elauria na hindi magiging sagabal ang PCAP sa pangarap ng players na maglaro sa National Team. “Kung ang players po ay nasa National Team at naglalaro rin sa PCAP, wala pong problema handa po kaming magsakripisyo kung may conflict sa schedule.”

Iginiit naman ni GM Rogelio “Joey” Antonio Jr., 13-time National Champion at Olympian, na mas maraming players ang mas magpupursige sa kanilang talento sa pagkakaroon ng pro league sa chess.

“This will inspire kids to play chess like the way the PBA inspired kids to play basketball. It will be another motivation for them to get better and aim higher,” pahayag ni Antonio.

Batay sa binuong konsepto ng PCAP, magsasagawa ng drafting kung saan makapipili ang may kabuuang 32 LGU-based privately-owned chess teams na may minimum eight at maximum 10 players under contract. Hahatiin ang mga koponan sa dalawang conferences: Northern Conference para sa Luzon-based teams at Southern Conference para sa Visayas- and Mindanao-based teams.

Bawat koponan ay may anim na players na binubuo ng dalawang rated players, isang babae, isang senior  at dalawang homegrown.

May standard contract at maximum salaries na batay sa maaprubahang salary caps ng mga koponan.

Sa kasalukuyan, ang mga kompirmado nang lalahok ay ang Baguio Lion Kings, Bataan Marching Heroes, Bulacan Bloody Bishops, Cagayan Valley Kings, Makati Red Gambits, Manila Noble Knights, Mindoro Golden Tamaraws, Palawan Beach Masters, San Juan City, Pampanga, Pasay, Subic Knightmares and Tarlac Top Guns. Also interested to join are ARMM, Batangas, Bohol, Cavite, Cebu, Cotabato, Davao, General Santos, Ilocos, Iloilo, Laguna, Leyte, Misamis, Negros, Pangasinan, Quezon, Rizal, Surigao at Zamboanga.

-EDWIN ROLLON