April 13, 2026

Home BALITA

‘Iba ang naputol!' Doktor na nagkamali sa kidney operation ng isang senior citizen, hinatulan!

‘Iba ang naputol!' Doktor na nagkamali sa kidney operation ng isang senior citizen, hinatulan!

n ang doktor ng negligent act not to amounting culpable homicide dahil sa kaniyang pagkakamali sa gitna ng operasyon na kumitil sa buhay pasyente.

Batay sa imbestigasyon, nahiwa at naputol ng doktor ang mesenteric artery at coeliac trunk ng pasyente sa halip na renal vein ang kailangan niyang putulin habang isinasagawa ang operasyon noong Abril 19, 2022 sa isang ospital sa Singapore.

Ang naturang artery ay ang pangunahing nagsu-supply ng dugo ng isang tao sa tiyan.

Bunsod nito, nagkulang umano ang supply ng dugo sa abdominal organs ng pasyente dahilan upang siya ay magkritikal at tuluyang nasawi noong Mayo 2, 2022.

Batay pa sa ulat ng Academy of Medicine sa Singapore, tinatayang 1 minutong tumigil ang doktor sa pagsasagawa ng operasyon nang mapagtanto niyang maling ugat na raw ang nahiwa niya sa katawan ng pasyente.

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!

Samantala, bago tuluyang mahatulan noong Huwebes, Marso 12, 2026, napag-alamang, nananatili pa ring nakalista bilang isa sa mga aktibong doktro ang suspek sa ospital kung saan isinagawa ang nasabing palpak na operasyon.