KABILANG ang Games and Amusements Board (GAB) sa 15 ahensiya na nasa pangangasiwa ng Office of the President sa binigyan ng ‘highest rating audit’ para sa taong 2019 ng Commission on Audit (COA).

MITRA

MITRA

Ang GAB ang ahensiya na nangangalaga sa professional athletes at nangangasiwa sa gawain ng lahat ng professional sports, gayundin sa horse-racing at sabong. Sa panahon ng COVID-19 pandemic, nanguna ang GAB, sa pamumuno ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, kasama ang Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Health (DOH) sa pagbalangkas ng Joint Administrative Order (JAO) na siyang pinagbasehan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases para payagan ang hinay-hinay na pagbabalik sa ensayo ng mga pro athletes sa basketball, football , boxing at iba pang combat sports.

“Kami po sa GAB kasama sina Commissioners Ed Trinidad at Mar Masanguid at mga personnel namin ay patuloy na maglilingkod sa ating mga kababayan para mapanatili at maiangat ang antas ng pro sports sa bansa,” pahayag ni Mitra.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Iginiit ng dating Palawan Governor at Congressman na sinisikap ng GAB na matugunan ang lahat ng kahilingan ng mga apektadong atleta at personnel para maibalik ang kanilang kabuhayan sa tinatawag na ‘new normal’.

“Dahan-dahan lang po ang aksiyon natin dahil prioridad pa rin natin na masiguro ang kalusugan ng ating mga atleta,” ayon kay Mitra.

Bukod sa GAB, kabilang din sa mga ahensiya na nasa pangangasiwa ng OP na nakatanggap ng “unqualified opinion” batay sa Executive Summary report na inilabas ng COA ang Presidential Management Staff, Climate Change Commission; Commission on the Filipino Language; Governance Commission for Government Owned or Controlled Corporations; Housing and Urban Development Coordinating Council; Housing and Land Use Regulatory Board; National Anti-Poverty Commission; National Historical Commission of the Philippines; National Library of the Philippines; National Youth Commission; Optical Media Board; Philippine Commission on Women; Philippine Competition Commission; at Presidential Legislative Liaison Office.

Ang ‘unqualified audit opinion’ ang pinakamataas na marka na ibinibigay ng COA sa mga government agency.

“The government agency also gets best audit rating if it has accurately disclosed all changes, accounting policies and their applications and effects,” ayon sa COA.

-EDWIN ROLLON