TRENDING kamakailan ang pagtugtog ng piano habang kumakanta ang panganay nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos-Agoncillo na si Yohan na umabot na sa 2,004,308 views.

yohan

Sobrang supportive daddy ni Ryan dahil nagkamali si Yohan, “sorry, I missed that chord”at sabi ng TV host, ‘again, okay Let’s cheer for ate.’

Super proud lola naman si Mommy Carol Santos sa apo na talagang i-shinare pa niya sa amin ang pagtugtog ni bagets.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Maganda ang boses ni Yohan at puwedeng-puwede siyang sumali sa singing competition tulad ng The Voice Kids o kaya ang programa ng daddy niyang Bangon Talentadong Pinoy.

“Walang planong isali sa contest, aral muna sabi ng nanay (Judy Ann niya), sagot sa amin ni Mommy Carol.

Dalagita na si Yohan, edad 15 at kasalukuyang nasa ikatlong taon na sa high school sa Montessori.

Nabanggit din na nagbo-voice lesson si Yohan, “Si Ima Castro ang nagbibigay ng voice lesson kay bagets,” say ng lola.

Dagdag pa, “piano lesson, sa area nila may nagtururo. Matagal na siang nagpi-piano, guitar at ukelele marunong din. Talented talaga ‘yung bagets. Mahiyain lang pag kami kami lang saka kumakanta at magaling ding sumayaw.”

Napa-wow kami dahil multi-talented si Yohan at matalino rin sa school. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit ayaw muna ng tatay at nanay niyang pumasok siya sa showbiz para hindi masira o mawala ang konsentrasyon sap ag-aaral.

Si Lucho naman ay mahilig sa sports at pagluluto dahil napapanood namin ang videos na tumutulong siya sa pagluluto sa nanay niya kasama ang bunsong si Luna na sa murang edad palang ay sinasanay na sila ni Juday.

-REGGEE BONOAN