Sinabi ng isang dalubhasa sa pananaliksik mula sa University of the Philippines (UP) nitong Sabado, na hindi na kinakailangan ang pagpapalawig ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng UP-OCTA Research, ang Metro Manila ay malapit na sa pagpatag sa kurbada, binanggit na ang R-naught o basic reproduction number ng rehiyon ay bumaba sa 1.15 mula 1.5.
Idinagdag ng eksperto ng pananaliksik na ang MECQ ay epektibo sa pagpapabagal sa takbo ng mga kaso.
“Alam ko siguro na alam ‘yung mga ibang tumitingin ng data, pag naririnig natin ‘yung 6,000 cases, pero ‘yung iba don actually backlog,” sinabi ni
David sa DZRH News sa isang panayam.
“Pag tinitignan natin talaga ‘yung trend sa test results sa mga test centers, talagang bumababa naman,” dugtong niya.
Nagpahayag si David ng pag-asa sa bagong diskarte ng pamahalaan na sa halip ay magpatupad ng localized lockdowns.
“We are actually optimistic dito sa magiging strategy ng government, kahit mag-GCQ (general community quarantine) tayo, tingin natin ma ma-maintain ’tong trend natin na pababa,” David said.
Inihalimbawa ni David ang Cebu City kung saan umubra ang implementasyon ng localized lockdowns, sinabi na ang bilang ng mga araw-araw na kaso ng lungsod ay bumaba mula 300 hanggang 90.
“Sa Cebu (City) GCQ na sila pero bumababa pa rin (ang cases), so what worked in Cebu City, i-a-apply natin sa Metro Manila,” aniya. Sinabi ni David na ang localized lockdowns na sasabayan mas maraming random testing, isolation, at mahigpit na pagpapatupad ng paggamit ng face shields ay makatutulong sa pagpabagal sa transmissions.
Gayunman, sinabi ni David na ang pagpatag ng kurbada ay hindi nangangahulugang ang bansa ay nagtagumpay sa pagpuksa sa pandemya.
“First step ‘yung flattening of the curve. Second step ‘yung mapapaba natin (‘yung cases). Possible na di na natin kailangan antayin ‘yung vaccines neto, ” aniya.
Pinananatili ni David ang hula ng kanyang grupo ng 200,000 mga kaso sa katapusan ng Agosto at 300,000 sa pagtatapos ng Setyembre.
-NOREEN JAZUL