Plano ng pamahalaan na bumili ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagkakahalaga ng P20 bilyon kapag magagamit na ang nasabing supply.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Arroyo nang isapublilko nito ang hakbang ng gobyerno kung saan uunahin muna nito ang “poorest of the poor” sa ating bansa.

Sa ilalim ng proseso ng pagbili ng bakuna, kailangan muna ang pag-abpruba ng Food and Drugs Administration (FDA) mula sa mga bansang lumilikha ng bakuna habang ang Department of Health (DOH) naman ang pipili kung anong tamang bakuna ang bibilhin para sa Pilipinas.

Ang Philippine International Trading Corporation na nasa ilalim ng DTI ang aatasan na gumawa ng procurement.

Ihihirit ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa Landbank na paglaanan muna ng pondo ang pagbili ng bakuna na babayaran ng pamahalaan sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.

National

FPRRD, umano'y nagplano ng kudeta, asasinasyon laban kay PBBM—Madriaga

Kaugnay nito, pinasalamatan ng pangulo ang China sa alok nitong uunahin ang Pilipinas sa bibigyan ng access sa bakuna at gamot kontra COVID-19.

Aniya, kapag available na ang nasabing bakuna, aatasan nito ang militar na tumulong sa pamamahagi nito.

“I promise you by the grace of God, I hope by December we will be back to normal. Huwag ninyo ‘yang new normal, new normal kasi sabi ko nga noon pag-umpisa natin hintayin lang natin ‘yung vaccine. Hintayin lang ho ninyo by December kung makatiis kayo kasi kung lalabas din kayo, matamaan kayo, patay din eh,” sabi ng pangulo.

Sa ilalim ng distribution plan ng libreng bakuna, sinabi ng punong ehekutibo na unang makikinabang nito ang mahihirap na benepisyaryo ng subsidy program ng pamahalaan.

Kabilang din aniya sa makikinabang nito ang mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel.

Gayunman, hindi kasama rito ang mga drug pusher at drug addict.

-Genalyn D. Kabiling at Beth Camia