Aasahan nang bababa ang presyo ng coronavirus swab test sa ilalim ng bagong hakbang na inilalatag ng gobyerno laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang tiniyak ng Malacañang sa ikakasang pool testing na kayang paghati-hatian ng 10 hanggang 20 indibidwal ang isang PCR testing kit.

Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque, mula sa dating P3,000 kada salang sa swab test, ito ay maaaring bumaba sa P300.

“There will be 10 people using one test kit. So, it’s divided by ten, so it will be P300. So, now anyone can afford to have a test,” dagdag pa nito.

Probinsya

Simbahan sa Pampanga, humingi ng dispensa sa mga nasunugan ng balat noong Ash Wednesday

Ang bagong hakbang na ito ayon kay Roque ay bahagi na rin ng major changes at bagong istilo na ipatutupad ng gobyerno sa harap ng palalakasin nitong massive testing efforts.

Dahil sigurado na ang magiging abot-kaya na ang pagpapa- COVID test, kumbinsido ang pamahalaan na bababa na ang case reproduction rate, gayundin ang case doubling rate.

-Beth Camia