Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel nitong Martes na tunay na gumaling na siya sa sakit na coronavirus (COVID-19).

Isang araw matapos na masuring positibo sa coronavirus, ibinahagi ni Zubiri ang mga resulta ng kanyang confirmatory RT-PCR test mula sa Philippine Red Cross (PRC) na nagpapakita na wala na siyang sakit.

“I am negative. Thank you to our Lord God above! My confirmatory test with the Philippine Red Cross has come out and shows that I no longer have live RNA cells of COVID-19,” aniya sa isang mensahe sa reporters.

“What the infectious disease experts have told us is that the DOH (Department of Health) result yesterday possibly detected remnants of dead virus cells which is a common occurrence with recovered patients,” aniya pa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bago ito, lumabas ang positibong swab test ng pinuno ng Senado bago ang State of Nation Address ni Pangulong Duterte. Kaya hindi na siya pinayagang pisikal na dumalo sa okasyon sa Batasang Pambansa complex sa Quezon City nitong Lunes.

Sinabi ni Zubiri, isang COVID-19 survivor, na ang nakita ng PRC machines ay ang live na RNA at naiiba ito mula sa mga patay na piraso ng mga cell.

Binanggit niya ang mga pag-aaral sa ibang bansa na nagpapakita na ang mga pasyente na gumaling mula sa COVID-19 ay “no longer infectious” at kapag nakita ang virus sa kanilang sistema, “it is most likely remnants of the dead COVID cells which can no longer contaminate.”

“Ibig sabihin nito ay hindi na po ito nakakahawa at ligtas po ang recovered patient habang meron pa po siyang antibodies,” aniya.

Sa kabila ng kanyang huling resulta ng test, sinabi ni Zubiri na itituloy niya ang kanyang self-quarantine “just to be sure.”

-Vanne Elaine P. Terrazola