ALIW ang bukingan segment ng Live Q and A nina Direk Cathy Garcia Molina, Sigrid Andrea Bernardo, Mae Cruz-Alviar, Irene Emma Villamor at Antoinette Jadaone sa YouTube channel na Nickl Entertainment.

Si direk Cathy ang may-ari ng YouTube channel at guests niya ang apat na box-office hit directors na game na game namang sumagot ng mga personal questions.

Tulad sa tanong kung na-principal’s office na sila noong nag-aaral pa sila sa anong dahilan.

Unang sumagot si direk Cathy, “Parang hindi takot ako, eh. Mabait ako (charot), hindi.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Na-principal’s office ako nu’ng grade 3 or 4 kasi nag ghost hunting kami, e, ako leader. Mga kalahati ng klase ang kasama ko sa retreat house, tapos hayun sinumbong kami ako itinurong leader at yung isang kasama ko,” kuwento ni direk Tonette.

Say naman ni direk Irene, “Nu’ng bata hindi, pero nu’ng college may pinanood kaming film, nakakaantok. Nu’ng nag-check na ng attendance ‘yung teacher nandoon pa ako, after niya umalis, nagyaya na rin akong umalis ng mga kasama ko, mga lima kami kasi nakakaantok talaga. After ng movie, bumalik pala ‘yung prof at nagpa-check attendance pala ulit wala na kami. Kaya ako, inulit ko ‘yung Battleship movie na yun sa office ng prof ng buo.”

Kuwento naman ni direk Mae, “Naku, malalaman ng nanay ko ngayon kung nanonood siya, ‘ma, sorry ma, sorry’ sabi muna ng direktora habang tumatawa. Kasi nu’ng high school, nag-cut ako ng class para manood ng basketball game sa La Salle, e meron kaming gagawin sa gym for the opening of intrams so habang inaayos lahat ‘yun, umalis ako para pumunta ng La Salle hindi ko alam dala ko pala ‘yung susi kung nasaan lahat ng decors. Kaya galit na galit ‘yung teachers kung nasaan daw ako tapos hindi nila alam kung sino ako at gusto ako i-suspend (ma, sorry, ma). Tapos pinatawag na ako, sabi isu-suspend daw ako, e, may lalaking nanliligaw sa akin, nagprisinta na siya na lang daw ang i-suspend in my place. Sabi ng teacher, ‘kinilig naman ako kaya hindi na kita isu-suspend.”

Kakaiba naman si direk Sigrid dahil hindi siya ang na-principal’s office kundi siya ang nagpunta para isumbong ang teacher nila na hindi marunong magturo.

“Sinumbong ko kasi ‘yung teacher namin kasi hindi siya magaling! Kapag papasok na siya sa classroom namin, mga classmates ko nagkukuwentuhan, kumakain, nagme-make up, naglalandian. Hindi siya talaga pinapakinggan kasi wala siyang talent sa teaching so nainis ako, nag walk-out ako pumunta ako sa principal’s office at sabi ko ‘you have to fire our teacher. Galit na galit ako. Hindi siya pinakikinggan kasi sarili niya kinakausap niya.

“Pinababalik ako sa klase sabi ko ayaw ko, kasi hindi ko maintindihan paano ako matututo? Tapos sabi sa akin pag hindi ako bumalik sa klase maglilinis ako sa buong building ng school, so bumaba ako at nakita ako ng mga estudyante from the 4th floor hanggang baba nakikita ako naglilinis.

“I think kinausap siya kasi the next day may dala na siyang manila paper (visual aids), tapos nag QandA na siya sa klase. Kung hindi pa ako nag-protesta ‘di ba?”

Samantala, na-reveal din kung sino ang crushes ng mga nabanggit na direktora tulad ni direk Mae ay si Aga Muhlach; si Tonette naman ay si River Phoenix; si Edward Norton naman ay sina direk Cathy at Irene at si Sigrid ay si John Lloyd Cruz.

Say ni direk Sigrid, “grabe, ayaw ko na tuloy i-direk si John Lloyd.”

-Reggee Bonoan