BALIK-TELEBISYON si Robin Padilla, pero hindi siya aarte at kung babasahin ang post nito, host siya ng hindi pang-showbiz na show. Magpi-premiere sa July 26, Sundays, 7pm at Saturdays, 9am., sa Net 25 ang Kaagapay sa Hanapbuhay.

“Madiin ang bilin ng Islam sa paghahanapbuhay na ang tao ay kinakailangan na kumita sa pagbabanat ng buto at pagtulo ng pawis upang maging maayos, maginhawa at parehas ang pamumuhay sa kanyang komunidad at hind imaging pasanin ng kanyang mga kapatid at bayan.

“Maraming maraming salamat sa Eagle Network 25 sa biyaya at pagkakataon na marinig ng aking boses n gating mga kababayan patungkol sa paghahanap buhay at pakikipagkapatiran hindi lamang sa kapwa tao kundi sa kalikasan.”

Pag-aari ng Iglesia Ni Cristo ang Net 25, kaya may nabasa kaming comments na “salamat po sa pagmamahal sa buong kapatiran ng INC” at “maraming salamat at may ganitong programa may kabuluhan. Salamat po IDOL.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nakakatuwa lang na kahit Muslim si Robin, sa network ng INC siya mapapanood at mukhang walang problema ito sa actor-turned host at sa mga INC.

-NITZ MIRALLES