April 12, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Wafakels na: Lantarang HHWW nina Kathryn at Mayor Mark, umani ng reaksiyon!

Wafakels na: Lantarang HHWW nina Kathryn at Mayor Mark, umani ng reaksiyon!
Photo courtesy: notyourelena (X) via Fashion Pulis

Usap-usapan ang mga kumalat na video at screenshot photos ng "holding hands while walking" sa isang mall sa Thailand, ng umano'y rumored couple na sina Kapamilya star Kathryn Bernardo at Lucena Mayor Mark Alcala, na tila tahimik na nagkukumpirma sa real score nilang dalawa.

Parang papunta na nga raw sa "hard launch" ang estado ng relasyon ng dalawa, dahil talagang kitang-kitang magkahawak ang mga kamay nilang dalawa sa public place, at tila wala na nga raw silang pakialam sa mga tao sa paligid nila, o pag-usapan sila sa media.

Pero kung tutuusin, hindi na bago ito dahil ilang beses na rin namang napaulat na naispatan silang magkasama sa iba't ibang lugar.

Maki-Balita: Kathryn at Mayor Mark, namataan daw na naglalakad nang magkasama sa mall

Ang hinihintay na lang ng mga netizen ay kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa.

Relasyon at Hiwalayan

'After ng sakuna eto na kami ngayon!' Jellie Aw, Jam Ignacio sosyo sa negosyo

Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa nag-viral na screenshots ng dalawa.

"Si ateng super lantad na kasi si ex lantaran na rin kay jowa e"

"Tanung lang, haha Paano sila ba nagkakilala at nagkadevelopan? Me want to know. Hahahhaha"

"She's carefree now. Mas masarap talaga kapag di na tinatago ang relationship. Happy for both kath and deej. Nahanap na nila ang nagpapasaya sa kanila ngayon."

"Ay wow.she is 30 anyway.but hee choices in life are questionable..where are her former friends?the issue is not them but Kathryn.truth be told."

"Kath looks happy. Go girl!"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ng dalawa tungkol dito.