ORLANDO – Agad na nagpakitang gilas ang Oklahoma City Thunder para sa pre-game ng pagbabalik ng NBA matapos na pataobin ang Boston Celtics, 98-84 na ginanap sa Orlando.

Adams

Adams

Sa kabila ng pagkaka-tengga ng mahigit apat na buwan, nanatiling kondisyon ang Tropa ng OKC, lalo na si Steven Adams na nagpamalas ng solidong porma upang makaisa ng panalo.

K u m b i n s i d o naman ang coach ng Thunders na si Billy Donovan

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

sa naging performance ni Adams na pumuntos ng 17 buhat sa 7 of 10 shooting.

“This was the one thing that stood out to me once we started playing a couple weeks ago, [Adams] has done a great job with his conditioning.

I could tell even our first day of practice … he had really good

stamina and I think a big part of his success tonight was just his

overall stamina and his activity in the things he did tonight,”

pahayag ni Donovan.

Nakatuwang ni Adams sina Shai Gilgeous-Alexander na may 17 pntos din habang si Abdel Nader ay may 11 .

Sa panig ng Boston ay nakapagbigay ng 11 puntos si Enes Kanter na may kasamang 10 rebounds habang si Jaylen Brown ay mayroong 9 na puntos, at kapuwa naman nagbigay ng walong puntos sina Daniel Theis at Marcus Smart gayung pitong puntos naman buhat kay Gordon Hayward.

Sinubok naman ni Jayson Tatum na makapuntos sa kanyang 1 for 6 at tumapos sa tatlong puntos.

-Annie Abad