Iprinisinta na ng Bureau of Corrections ang death certificate ng siyam na high-profile inmates sa New Bilibid Prison na umano’y kontrobersyal na nasawi sa coronavirus disease 2019.

Sa isang press briefing, ipinakita ng BuCor ang kopya ng death certificates ng mga sumusunod na inmates na iniulat na nasawi na sina Amin Imam Boratong; Eugene Ho Chua; Francis Go; Benjamin Marcelo; Sherwin Sanchez; Willy Yang at Shuli Zhang.

Kasabay nito ay inilantad din ang notice of death para sa ikasiyam na nasawi na si Hung Kin Sing Jimmy o mas kilalang Jimmy Ang.

Sa nabanggit na dokumento, nasawi ang walong inmates noong Mayo at Hunyo habang si Jaybee Sebastian ay napaulat nitong July 18.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Beth Camia