MAY mga nang-iintriga na sa DingdongPH, ang ilu-launch na food delivery service app nina Dingdong Dantes at ilang kaibigan para matulungan ang displaced workers sa entertainment industry.

May basher agad na nag-comment na dapat i-boycott ang business venture nina Dingdong dahil anti-terror bill si Dingdong. Hindi ba naman kalukuhan ang nanawagan ng boycott na ito? Gustong makatulong nina Dingdong sa mga kasama sa industriya tapos may kokontra?

Nalaman naming isa sa rider ng DingdongPH ay kasama niya sa Descendants of the Sun na pinagbibidahan ni Dingdong, nawalan ng trabaho dahil tigil muna ang taping ng teleseryes ng GMA-7. Ayun, inaway ng netizens ang pabidang nega.

Five days nag-training ang riders ng DingdongPH at kasama sa kanilan training ang road safety mula sa A-1 Driving Co., Inc., tips on motorcycle riding, safe and sanitary food handling, basic first aid and disaster preparedness and response, at may personality development training pa.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Anyway, kahit maging busy uli si Dingdong sa showbiz, may mga kasama siya sa DingdongPH na magpapatakbo nito. Nag-resume na kasi siyang mag-taping ng Amazing Earth at fresh episode na ang mapapanood sa July 26. Hintayin natin ang announcement ng GMA-7 kung kailan magre-resume ang taping ng DOTS.

-Nitz Miralles