BAHAGI na ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 si tree-time PBA champion Chico Lanete bilang playing assistant coach ng professional team.

LANETE

LANETE

“Having Chico around will be of great help to our players as 3x3 is a game of court awareness,” pahayag ni Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 league owner Ronald Mascariñas.

“Being an undrafted player but still playing 12 years in the PBA should serve as an inspiration to our players as well as Chico proved that hard work trumps all.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Lumagda ng kontrata ang 40-anyos veteran nitong Biyernes at kaagad na sumalang na ‘briefing’ ni coach Eric Altamirano upang magabayan ang tatlong pro squad ng Chooks-to-Go na isasabak sa global FIBA 3X3 circuit. Gagabayan din niya ang koponan sa paghahanda para sa 2021 3x3 Olympic Qualifying Tournament na nakatakda sa Mayo.

“I’ve been wanting to be a coach nung padulo na ng career ko,” pag-aamin ni Lanete. “Nagpapasalamat ako sa Chooks-to-Go for this opportunity na mag-give back sa new generation ng players at sa bagong sport na 3x3.”

Bukod sa pagiging asst. coach, lalaro rin si Lanete, miyembro ng MPBL club Sarangani, sa 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 league na nakatakda sa Setyembre.

“Gusto ko rin siyempre ma-try ‘tong 3x3, kumbaga nasa bucket list ko ito. Alam ko kaya ko pa rin makipagsabayan kahit papano sa mga bata nating players,” pahayag ng pambato ng Ormoc City.