BUMILIB ang netizens kay Gretchen Barretto sa inaming supporter siya ni President Rodrigo Duterte. Ang iba nga namang celebrity, sa panahon ngayon na mainit sa tao ang pangulo at ang gobyerno nito dahil sa Covid-19, sa pagpirma ng Anti-Terror Bill at sa hindi pagbibigay ng franchise renewal sa ABS-CBN, ayaw ipaalam na maka-Duterte sila.

gretchen

Pero, iba si Gretchen dahil inaming pro-Duterte siya ng may fake Twitter account na nag-tweet ng “Gretchen Barretto The hashtag is the tweet. #OustDuterteNow.”

“This is a FAKE Twitter ACCOUNT! I DO NOT HAVE A TWITTER ACCOUNT. I AM PRO DUTERTE,”paglilinaw at pagdi-deny ni Gretchen.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Inulit ng poser ni Gretchen ang pagtu-tweet na gamit ang pangalan niya and this time, ang tweet ng fake na Gretchen ay “”Remember these 11 brave congressmen who truly represents the people. We will never forget. You will have our support #Halalan2022.

-Nitz Miralles