SEOUL (Reuters) - Natagpuang patay sinSeoul City Mayor Park Won-soon, sinabi ng pulisya nitong Biyernes, matapos iniulat ng kanyang anak na babae siya ay nawawala sinabing nag-iwan ang ama ng mensahe na “like a will”.

Park (AFP)

Park (AFP)

Matapos ang paghahanap ng daan-daang pulis, natagpuan ang bangkay ng alkalde sa Mt Bugak sa hilagang Seoul dakong hatinggabi, malapit sa kung saan na-detect ang signal ng kanyang celphone, sinabi ng Seoul Metropolitan Police Agency.

Hindi ito nagbigay ng sanhi ng pagkamatay. Sinabi ng ni Police official Choi Ik-soo sa reporters sa televised briefing sa eksena na walang senyales ng foul play gayunman kailangan ang detyadong imbestigasyon.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sinabi ng Yonhap news agency na isang dating secretary ni Park ang naghain ng reklamo nitong Miyerkules kaugnay sa diumano’y mga insidente ng sexual harassment.

Bilang mayor ng lungsod ng halos 10 milyon katao, si Park ay isa sa pinakamaimpluwensiyang politiko sa South Korea at may malaking papel sa pagtugon nito sa coronavirus pandemic.

Itinuturing siyang malakas na pambato sa 2022 presidential elections.

Umalis si Park sa mayor’s official residence dakong 10:40 a.m. nitong Huwebes, na nakasuot ng itim na sumbrero at backpack, matapos kanselahin ang policy meetings na nakatakda sa araw na iyon, ayon sa multiple local reports.