HANDANG gamitin ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham 'Bambol' Tolentino ang kapangyarihan ng Kongreso upang mapanatili ang monthly allowances ng mga atletang Pinoy.

TOLENTINO

TOLENTINO

Sinabi ni Tolentino, Congressman ng Tagaytay City, sa ginanap na virtual press conference para sa 2020 Olympic Day nitlong Lunes, na nakahanda siyang gumawa ng paraan upang maibalik ang halaga na mawawala san mga atleta ngayong darating na Hulyo.

Kamakailan ay nag- anunsiyo ang Philippine Sports Commission (PSC) na kailangan nilang bawasan ng 50 porsyento ang monthly allowance ng mga National Athletes gayung wala pang pondo na ipinapasok ang PAGCOR sa National Sports Development Fund (NDSF).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod dito ay binawi ng Department of Budget ang nalalabing pera ng Komisyon upang ilagay sa ‘We heal as One’ project para sa mga pasyente ng Covid-19.

Ayon kay Tolentino, ihahabol niya na maibalik ang kalahati  ng halaga na tatanggalin sa mga allowance ng mga atleta sa pamamagitan ng pagsulong nito sa Kongreso para sa 2nd Bayanihan  Extension Act.

"Not as a POC President but as a member of the House of Representative, we will try to give back the amount that was taken from the PSC through NSDF," ayon kay Tolentino.

'Yung 5 to 7 million, kung 'yun lang ang kailangan  para mai- sustain ang nawala, I will lobby for it. We will try to return it in this coming 2nd Bayanihan Extension Act. Para lang maibalik,” aniya.

Samantala, nakapagbigay na diumano ng pera muli ang PAGCOR sa NSDF ngunit wala pang kasiguruhan kung mapupunan nito ang halaga na kailangan upang di na bawasan ang allowance ng mga national athletes. ANNIE ABAD