KAGYAT na tumugon ang Philippine Olympic Committee (POC) sa panawagan na bisikleta ang gamiting transportasyon sa panahon ng COVID-19.

Naglaan ng libreng bisikleta ang POC upang magamit ng mga national athletes sa kanilang pang-araw-araw na training na ipagkakaloob mismo ni POC President Abraham "Bambol" Tolentino.

TOLENTINO

TOLENTINO

Ito ang naisip na paraan ng POC upang tulungan ang mga atleta sa pagharap nito sa tinatawag na "new normal" gayung ang bisekleta na ang isa sa mga pangunahing transportasyon sa bansa sa mga susunod na araw ngayong panahon ng COVID-19.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang pagbibisekleta ay isa ring pinakamabisang paraan upang manatiling malusog ang pangangatawan at makaiwas sa iba't ibang sakit, gayung maari itong gawing ehersisyo.

“With the ‘new normal’ which mandates we find new ways to go about our daily business, national athletes who do not have a personal mode of transportation will surely benefit from this. Bicycling is not only a healthy way to get from one point to another, it also promotes social distancing, not to mention a means to avoid traffic," pahayag ng POC chief.

Walang partikular na sports na binanggit si Tolentino ngunit siniguro nito na lahat ng mga atleta na nasa ilalim ng sports na may Olympic program ay maambunan ng nasabing proyekto kung saan hihingin niya ang pag-sang-ayon ng POC Board members hinggil dito.

Kabuuang 100 bisekleta ang nakatakdang ipamigay ng POC sa mga nangangailangang atleta, kung saan ay dadaanin sa first come first served basis at ailangan nila na lumagda sa isang application form na ipmamahagi ng kumite.

“We need to be innovative so the POC is looking for ways to allow our athletes to stay fit and ready for competition once the situation allows it. Obviously, bicycling, whether to commute to and from their training venues or even for leisure, is a good way for our national athletes to keep in good physical condition," ayon pa kay Tolentino.

Kamakalawa lamang nang magkasundo ang malalaking kompanya sa cycling na isulong ang pangangailangan upang simulan ang paggamit ng bisekleta sa bansa bilang isa sa pinaka ligtas at pangunahing pamamaraan ng transportasyon. Annie Abad