ASAHAN ang progresibong pagbabago sa programa ng Philippine Sports Commission (PSC) para makasabay sa sistema nang ibang bansa sa gitna nang pagkalugmok ng sports dulot ng COVID-19.

ramirez

Sinabi ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na napapanahon na baguhin at palakasin ang kanilang pagtugon sa  grassroots at elite athletes, habang patuloy ang pakikibaka ng mundo para labanan ang sakit na CoronaVirus.

Ang naisip na paraan ng PSC ay mananatiling online o virtual muna ang pagkumusta at pagtuturo sa mga atleta habang laganap pa ang virus.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

"We have to REBOOT our approach on grassroots and elite athletes programs. The framework of coaching education,  until no vaccine is found, will all be virtual or online, reaching out to all elite athletes  in their own locations. It will totally change our sporting perspectives and strategies. That is how deeply impacting and dangerous this Corona virus is," pahayag ni Ramirez.

Ang pagsasagawa ng mga online seminars at mga coaching session ay kabilang sa planong ipatupad ng PSC upang masubaybayan ang mga atleta sa kabila ng sitwasyon na kinakaharap ng buong bansa.

Ito ay kahit na bawiin na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ilagay pa sa General Community Quarantine (GCQ), ay mananatili ang online session na ipalatupad ng PSC.

"We have to put up the IT Infrastructures: for leading, coaching, sports psycho and physio.  Sports protocols shall be made available for periods of GCQ, or when approved medicine and vaccine comes, although medical work on fighting the virus does not stop there," aniya.

Aminado rin ang PSC chief na malaki ang naging epekto ng nasabing virus sa kalakaran ng sports hindi lamang sa bansa ngunit sa buong mundo, ngunit ang mahalaga ay masigurong ligtas ang lahat.

"COVID-19 will change the face and substance of both amateur and professional sports.  Of primary importance is to save lives which is the ultimate goal of society and government," pahayag ni Ramirez. ANNIE ABAD