MAIPAGPAPATULOY na ng frontliner team Davao Occidental Cocolife Tigers sa kanilang balwarte sa Mindanao ang marubdob na ensayong pisikal bilang preparasyon sa pagpapatuloy ng naudlot na Southern finals ng Lakan Cup Maharlika Pilipinas Basketball League kontra Basilan.
Dahilan sa deklarasyon kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagiging general community quarantine ng malaking bahagi ng Mindanao ay magiging maluwag na ang panuntunan at bukas na ang maraming establisimyento para sa esensiyal na aspeto at malaya nang yao't parito ang mga tao bagaman at ipapatupad pa rin ang social distancing upang maiwasan pa rin ang paglaganap ng pandemic na COVID-19.
Ang National Capital Region at iba pang rehiyon sa Luzon at Visayas ay extended ang Enhanced Community Quarantine mula Mayo 1 hanggang 15 dahil sa patiloy pa rin ang bilang ng mga apektado ng deadly virus.
"Susundin pa rin ng team ang aspeto ng social distancing kung saan ay motibasyon at physical conditioning muna ang ipa-prayoridad ng team,"pahayag ni deputy team manager Ray Alao.
Ang defending south division titlist Davao Occidental Cocolife Tigers ni team owner Rep.Claudine Bautista ng Dumper Party List na suportado nina Cocolife President Atty.Jose Martin Loon,FVP Joseph Ronquillo,AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque ay kasalukuyang nage-ensayo via online sa Zoom kung saan sa motibasyong mental toughness.
Ang Tigers at Basilan ay tabla1-1 sa kanilang best- of- three finals upang maipuwersa ang deciding game 3 rubbermatch na naudlot sa pagputok ng COVID-19.
Ang mananaig sa south finals ay hahaarapin ang mangingibabaw sa labanang San Juan vs Makati sa north division para sa national championship na itatakda ng MPBL pagbalik sa normal ng health situation sa bansa.