NAGLABAS ng saloobin ang talent manager/actor at vlogger na si Ogie Diaz tungkol sa mga pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ikinapikon siya dahil sa kaliwa’t kanang bira sa kanya sa social media.

Ayon kay Ogie, “Eto, sa totoo lang tayo, ha? Ibinoto ko si Joy Belmonte bilang mayor, wa echos yan.

“Pero hindi ko isinusumbat sa kanya yan, ha? Pwede namang kahit wala ‘yung isang boto ko, sama mo pa mga kapatid ko, panalo pa din naman siya, eh.

“Kasi, naniniwala ako sa kanya na kaya na niyang maging “ina ng lungsod” pagkatapos niyang maging vice mayor ng siyam na taon? Kaya na niya, ‘di ba?

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Eh, parang napikon si mayora sa mga pume-pressure o tsuma-challenge sa kanya na gayahin si Mayor Isko o si Mayor Vico Sotto sa pagharap sa COVID-19.

“Ayan ang sagot niya tuloy. Pero ok lang ako, mayora, ha? Kahit di po ako makatanggap ng relief goods na may tatak na “Joy Para Sa Bayan” ha? Mas kailangan po talaga yan ng mga ka-lungsod ko, lalo na yung arawan lang ang kita. Tama po yan.

Sana, tuloy-tuloy po ang pagbibigay ng ayuda sa kanila hanggang mawala ang COVID-19 na ito.

“Pero, mayora, baka type nyo namang bigyan ng pagpupugay ang mga taxpayers natin, ha? Opo, kasi pera po nila yang ipinambibili nyo ng relief goods, although mas kahanga-hanga po kayo kung ang nakalagay lang sa supot ay “from Quezon City Government” or kahit nga may nakasulat na “Buwis n’yo ‘to, anubeh?”

“Pero sige po, ok na po sa akin kung meron pang naka-print na “Joy Para Sa Bayan” basta wag lang po nating kalimutan na buwis po yan ng mga taga-lungsod. Pakibanggit naman po para masabi ko sa sarili kong, “Uy, me ambag ako diyan!”

“Okay lang din po kung yung mga di naniniwala sa palakad nyo o sa paraan ng pamamahala nyo ay di makasali sa sinasabi nyong pabahay nyo, pa-healthcare nyo, libreng edukasyon nyo at kahit ‘di pa makasali sa social benefits nyo.

“Bigay nyo na po yan sa higit na nangangailangan basta po tutuparin lang ang ipinangako.

“Eto naman ang ipapangako ko bilang taga-media, taga-Kyusi at taxpayer: kung tuloy na po ang PABAHAY nyo, pa-send po ng mga pictures para matulungan ko po ang PR department nyo na magpakalat ng magandang balita na yan. Let me know po kung meron na ha? Baka ako lang ang nahuhuli sa balita.

“Saka gusto ko pong saluduhan yung mga staff nyo na nagre-repack ng goods. Kasi 400,000 goods ang dapat magawa nila, sana healthy and safe pa din sila pagkatapos kahit walang face mask yung iba.

“Anyway, yun pong sabi nyo na parang sa 2022 na lang kayo “gantihan” ng mga haters nyo, mayora, ito po munang COVID-19 ang tapusin natin kasi kahit di nyo sabihin yan, taumbayan pa din naman ang magdedesisyon. Malay nyo manalo uli kayo kung wala naman kayong matinding makakalaban, ‘di ba?

“Basta madam mayora, lagi nyo na lang pong isipin at isapuso na lahat ng ginagawa nyo ay para sa bayan at hindi para sa 2022.

“By the way, 60M pala ang budget ng kada konsehal, mayora. Baka pwede nyo naman silang hiritan man lang kahit tig-20M bawas sa pondo nila para din naman ito sa mahihirap nating kababayan.

“Imagine, 20M x 36 councilors, wow! P720M din yon, hindi na masama. Plus yung ambag pa sa pondo ng Vice Mayor nating si Gian Sotto na kahit nga 30M man lang, aba, P750M din yon ha? Again, alang-alang sa bayan.

“O kaya, mayora, atasan nyo na lang sila na sila na magpakain araw araw sa mga kadistrito nila kesa kung ano-ano ang naiisip nilang proyekto na nakapaskil ang pangalan nila. Di naman lahat ha? Karamihan.

“Aaay! Me mga Congressmen pa pala, anim yan! Beke nemen. Kung tumutulong na, baka pwede dagdagan? Keri lang ba?

“O, siya, ang haba na nitong hanash ko. Hindi po ako hater ha? Nag-oopinyon at nagsa-suggest lang naman po.

“Wag magalit sa akin ang mga believers ni Mayor Joy, ha? Para po sa inyo itong ginagawa ko. Lalo na sa mga kababayan nating kailangan ng tulong ng Quezon City Government. “Kaya mo yan, mayora. Smile ka na.”

Sana matapos basahin ito ni Mayor Joy, e, mapangiti siya at huwag na siyang sumimangot para hindi siya magkaroon ng wrinkles.

-Reggee Bonoan