KUNG si Pasig City Mayor Vico Sotto ay kaliwa’t kanan ang pagpuri mula sa netizens dahil sa mabilis niyang pag-ayuda sa nasasakupan niya, kabaligtaran naman ang nangyayari kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na ilang araw namang bina-bash sa social media dahil sa mabagal daw nitong pagbigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Sa nakaraang press briefing ni Mayor Joy thru DZMM kamakailan ay ilang beses binanggit ng kanyang staff na masipag ang kanilang mayor at 24 oras ng gising para tugunan ang lahat ng pangangailangan ng 6 na distrito ng Quezon City with 142 Barangays.
Oo nga, hindi naman biro ang laki ng nasasakupan ni Mayor Joy kaya baka akala lang ng mga taga-Kyusi na mabagal siya kasama na kami na dito na nagkaisip.
Pero sana kahit pikon na si Mayor Joy sa mga basher niya, sana hindi siya nagpapadala sa galit dahil mas lalong sumablay tulad ng ipinamahagi niyang hygiene kit (na wala kaming natatanggap), hindi nagustuhan ng mamamayan ng Quezon City ang sinabi niyang, “I have decided to give this (litrato ng hygiene kit na may nakalagay na Joy para sa Bayan).”
Lumalabas kasi na galing sa bulsa ni Mayor Joy ang ipinambili ng hygiene kit with matching name niya sa eco bag. O baka nga naman talagang sariling gastos niya kaya ganu’n ang pagkakasabi niya? If ever, maraming salamat po Mayora.
At ang nakagigil na pahayag ni Mayor Belmonte sa kanyang Facebook Page patungkol sa bashers niya.
“To the few who still believe in me, I told you I would never let you down and I won’t.
“I will fight for you, until together we vanquish this virus. Just as you fought for me when all the people who don’t understand how I work and think abandoned and denigrated me. Thank you for your continued trust and confidence.
“To those who hate me, you are under no obligation to accept any of my projects - housing, education, healthcare, social benefits. That means there will be more for those who truly have faith in me as their leader.
“But please just show your hatred for me at the polls in 2022 because the people who want to be served and patiently wait for it don’t deserve for their lives and that of their families to be politicized.”
Ano ba ang ibig sabihin ni Mayora Joy tungkol dito? Kaya iisa ang tanong ng taumbayan sa kanya, pera ba niya lahat ang ipinangggastos sa mga inaangkin niyang proyekto? Saan napupunta ang binabayarang buwis ng taga-Quezon City?
At sa pagkakaalam din namin ay ang Quezon city ang ikalawa sa pinakamayamang lungsod sa Metro Manila dahil sa laki ng sinisingil nilang buwis na alam namin ay umabot sa 300% ang itinaas sa business permits base na rin sa mga kaibigan naming may mga negosyante. Nagulat nga ang kakilala namig BIR examiner, “ganyan pala kataas ang singil sa Kyusi?”
Masyadong pikon si Mayor Joy sa mga pahayag niyang ito, siguro kailangan muna niyang matulog para sa susunod niyang post sa FB page ay maganda na ang mababasa at hindi punumpuno ng galit.
-REGGEE BONOAN