Nakakatuwa naman si phenomenal star Maine Mendoza, na namigay siya ng tinawag niyang ‘corona kit made with love.’ May time kasi ngayon si Maine na gumawa ng personalized ‘corona kit’ dahil nasa bahay lamang siya since wala ngang work, at mga the best episodes ng Eat Bulaga na lamang ang ipinalalabas nila simula pa noong Monday.

Maine

Unang pinadalhan ni Maine ang mga sisters niyang sina Nikki at Coleen. Post ni Coleen, what’s inside: Facial cleansing wipes, feminine wipes, disinfecting wipes, body wipes, toilet seat cover, cetaphil face wash, alcohol, soap (hygienix), facial tissue, off lotion, emergency band aid.

Tuwang-tuwa si Coleen at sinabihan ang nakababatang kapatid na mag-ingat daw ito. Isa rin sa nag-post ng thank you for Maine si Christine Babao. Caption ni Christine “sa panahon ng #Covid19, ang saya mabigyan nito, kinarir ang contents. Thanks M, you are so sweet and creative! Stay safe & Covid19 Free!”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Meanwhile, wala pang abiso kung tuloy ang launch ni Maine ng first single niya sa Universal Records PH, ang Parang Kailan Lang, na top hit na sa iTunes at Spotify, but definite nang siya ang Celebrity MYX DJ for April ng music channel.

-NORA V. CALDERON