MULING nag-renew ng contract ang GMA News pillar at multi-awarded broadcast journalist na si Ms. Mel Tiangco, para ituloy ang kanyang commitment sa Serbisyong Totoo ng GMA Network.

Mel Tiangco renews contract

Loyal Kapuso na si Mel simula pa noong 1996, na isa siya sa top anchors ng GMA’s flagship newscast na 24 Oras, host ng award-winning drama anthology na Magpakailanman up to the present. At siya ang naging founder and ambassador of the GMA Kapuso Foundation, the network’s socio-civic arm.

“Walang sawa ang aking pagpapasalamat sa GMA dahil sa mahgit na dalawang dekada naming pagsasama ay walang sawa rin ang mabuting pakikitungo nila sa akin. And I always thank the Lord na patuloy akong binibigyan ng lakas upang makapagsilbi at makapagbahagi ng aking kakayahann sa mga Kapuso. I hope and pray na magtuluy-tuloy pa ang pagtitiwala at pagmamahal nila sa akin sa mas marami pang mga taon,” wika ni Mel para sa mga executives ng GMA Network.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sagot naman ni GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon, “Alam naman ng lahat kung gaano kagaling si Mel Tiangco as an anchor. Hindi lamang sa news, pati na rin sa top-rating program na “Magpakailanman” at yung kanyang sincerity nba makapag-serbiyo sa mga tao sa Kapuso Foundation ay talagang hindi mo maku-question. Kaya naman talagang we are lucky to have Mel Tiangco with us.”

Tumanggap na ng maraming service awards si Mel, isa rito, siya ang first broadcast journalist na tumanggap ng Rotary Peace Award in 2019, the highest award na ibinigay ng Rotary International District 3830. Noong February 12, siya ang binigyan ng 2020 Distinguished Woman of Service Award by the San Beda Univeersity Alumni Association, at marami pang natatanging karangalan siyang natanggap.

-NORA V. CALDERON