TAGUM CITY – Tinanghal si Mark Yee ng Davao Occidental- Cocolife bilang ikatlong player sa kasaysayan ng MPBL na umabot sa 1000-point plateau.

Naisakatuoaran ito ng Yee sa Game 1 ng best-of-three South Finals ng Chooks-to-Go Lakan nitong Lunes labans a Basilan- Jumbo Plastic.

Nakasama siya sa grupo nina San Juan’s John Wilson at Marikina’s Yves Sazon. Sa kabila ng kaganapan, nabigio ang Davao Occidental sa bisitang Steels, 72- 74.

“Breaks of the game lang talaga,” sambit ni Yee, tumapos na may 12 puntos.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

“Okay lang kumbaga biyaya pa rin na binigay ng Panginoon e. Siguro may plano si God kaya nangyari ‘yan, pero mas okay sana kung panalo e,” aniya.