SUMAGLIT pala sa Australia si Jasmine Curtis para makita ang kapatid na si Anne Curtis at ang pamangkin niya kina Anne at Erwan Heussaff. Kaya pala nabanggit nito na she went to see “bubba.”

Jasmine

Mabuti na lang at maraming advance taping ang Descendants of the Sun at kahit magbakasyon ang cast na marami ang pondo, hindi maapektuhan ang takbo ng story ng teleserye.

Marami pa naman ang kinikilig sa story nina Moira (Jasmine) at Diego Ramos (Rocco Nacino) at nalulungkot nga ang viewers kapag kokonti lang ang eksena ng dalawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nabasa pala namin sa IG story ni Jasmine na worried siya na baka ma-quarantine siya sa kanyang pagbabalik ng Manila dahil sa coronavirus o kaya ma-stuck sa Hongkong, may meeting pa naman siya with a movie producer, mabuti raw at na rerouted ang flight niya sa city na walang travel ban or alert levels.

Pero, sa bagong IG Story ni Jasmine, nakabalik na siya sa Manila at nag-taping na ng DOTS, kaya hindi siya na-quarantine.

Walang binanggit si Jasmine tungkol sa baby nina Anne at Erwan , kaya ‘wag natin i-expect na magpo-post o magkukuwento si Jasmine ng tungkol sa pamangkin niya o sa babay ng kanyang kapatid.

-Nitz Miralles