TAWA ng tawa ang aming source tungkol sa James Reid at Nadine Lustre break-up dahil unti-unting lumalabas na hindi totoong hiwalay na ang dalawa.

Nadine

Matatandaang paulit-ulit naming sinulat dito sa Balita na hindi totoong hiwalay ang JaDine base sa aming source dahil nga siya mismo ay nakikita niyang laging magkasama ang dalawa.

Kahit pa noong inamin na nina James at Nadine na hiwalay na sila base sa ipinadalang official statement sa Tonight with Boy Abunda na binasa naman ng TV host.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Totoong nagkatampuhan daw, pero hindi nag-break, “puwedeng sabihing lie-low muna sila or cool off, pero hindi break kasi nga laging magkausap, laging nagkikita at masaya sila parati, so anong break doon? Sabi nila good friends pa rin sila kaya magkasama lagi?”

Marami ring nagdududa sa JaDine break-up dahil nga pagkatapos nilang i-anunsyo na hiwalay na sila ay nakita naman silang nasa iisang bar sa Poblacion, Makati City at nakita rin sa ibang okasyon pa.

At kamakailan ay muling nakita sina James at Nadine sa isang Korean Restaurant malapit sa Loyola Heights, Quezon City kung saan doon malapit ang village ng aktor.

Mismong fan nina James at Nadine ang nag-post ng litrato nila na si @rememberalwaysjd, “Gigil Bumbum sarap sarap Mata Pumpkin mo kakagigil kilig ako My Love Always and Forever #Jadine #JamesNadine.”

Speaking of James kaya pala ibinebenta na niya ang magandang bahay niya sa halagang P85M ay dahil gusto niyang bumili ng townhouse at ang iba pang pera ay gagamitin sa negosyo.

Nabili ni James ang bahay niya dahil Viva ang nag-loan sa bangko noon na kung tama ang aming dinig ay umabot sa P55M at nabayaran na pala ito ng aktor.

Sa tanda namin ay tila 5 years ago palang nabili ang bahay at nabayaran na kaagad ito ni James, “thru his commercials, malaki kasi ang talent fee ni James sa commercials kaya nabuo na niya ang bayad,” say ng aming source.

Going back to JaDine, ano ba talaga ang real score ninyo? Huwag na kayong mahiyang aminin, maiintindihan naman ng lahat kasi nasa showbiz kayo.

-REGGEE BONOAN