MULA sa malupitang labanan ng may 376 entries, solong nangibabaw sa kampeonato ng 13th edition ng World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby ang Elf GameFarm ni Gerry Ramos.

IBINIDA ng magkasanggang Gerry Ramos (kanan) at Jun-Jun Magsayo ang tropeo nang pagwagihan ang 2020 January edition ng World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby sa Newport Arena ng Resorts World Manila.

IBINIDA ng magkasanggang Gerry Ramos (kanan) at Jun-Jun Magsayo ang tropeo nang pagwagihan ang 2020 January edition ng World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby sa Newport Arena ng Resorts World Manila.

Katuwang si Jun-Jun Magsayo, nagwagi ang ELF Gamefarm AAO entry laban sa 55 finalists upang tanghaling kampeon sa jam-packed, standing room only crowd nitong Miyerkoles sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. Tangan ng alaga nina Ramos at Magsayo ang kabuuang 8.5 puntos sa prestihiyosong torneo na tinatampukan ng pinakamalalaking breeder sa bansa.

Magkakasalo sa ikalawang puwesto ang lahok nina RJ Mea/Hermin Teves (RJM-HT3-24), Cong. Eddiebong Plaza/Jun Cuello (Special Request (A)), The Madlambayan Brothers (Jimafer Ranch) at Mohammad Sinsuat/Nad Mendoza (Father and Sons N/M) tampok ang tig-walong puntos.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bumuntot na may 7.5 puntos ang Rhona Bullecer/Aldo (Bicol Boys Aldo/Palaban) at Davao-based group of Bebot Uy/Voltaire Atianzar/Jun Lobaco (SF JCAR).

Kabilang din sa kumubra ng premyo ang winners circle  na kinabibilangan nina Atong Ang, RJ Mea/Anthony Marasigan, RJ Mea/Arnold Dela Cruz, RJ Mea/Engr. Marlon, Eric Dela Rosa/ Luke Bresee, EDR/Joey Salangsang/Mayor Ed Lumayag, EDR/Arnold Dela Cruz, Gen. Velasco, Jet Olaguer, Allan Cantal, Atty. Edgar Santos/Atty. Quilala/Atty. Caluya, Jr Tolentino/Charlie Gayoso, Jun-Jun Tolentino, Mario Leyva, Mayor Ton-Ton Uy at Mayor Don-Don Alcala.

Naghati-hati sa kabuuang P30.8 milyon ang mga top finishers para sa January edition ng torneo.

Samantala, nakatakda sa April ang 2020 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila kung saan ang 4-Day Elimination at Semi-Final format ay itinakda:April 22, 2020 2-Cock Elimination Round, April 23, 2020 2-Cock Elimination Round, April 24, 2020 2-Cock Elimination Round, April 25, 2020 2-Cock Elimination Round, April 27, 2020 10-Cock 220 k Pot Big Event 5-Cock Elims, April 28, 2020 10-Cock 220k Pot Big Event  5-Cock Finals, April 30, 2020 3-Cock Semis, May 1, 2020 3-Cock Semis, May 2, 2020 3-Cock Semis, May 3, 2020 3-Cock Semis, May 5, 2020 4 Cock Pre-Finals (3 and 3.5 points), May 7, 2020 4-Cock Grand Finals (4, 4.5 and 5 points)

Ang pinapayagang timbang ay 1.9-2.5 kgs. Para sa karagdagang impormasyon makipag-ugnayan sa 0915-1527975.

Ang World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby ay itinataguyod nina Mr. Charlie “Atong” Ang, Mr. Gerry Ramos, Cong. Sonny Lagon, Cong. Eddiebong Plaza, Mr. Rj Mea, and assisted by Mr. Eric Dela Rosa, co-presented by Resorts World Manila and sponsored by Thunderbird Platinum, Pakyaw Dewormer, Excellence Poultry and Livestock Specialist, Thor MP Wash, Experto Gamefowl Products, King Slasher at Rusi Motorcycles.