TINANGHAL na ‘Three-point King’ si Lester Alvarez ng Bulacan Kuyas sa 2020 Chooks-to-Go/MPBL Lakan All-Star nitong Huwebes sa Mall of Asia Arena.

Naisalpak ni Alvarez ang perpektong 24 puntos sa finals para gapiin sina James Martinez ng Nueva Ecija (20 points) at Bicol’s Jerome Garcia (17 points).

“Expected ko si James talaga kasi siya parati sa three points. Ako lang sinwerte. Nagusap kami, sino suwertehin. Eventually ako yung sinwerte,” sambit ni Alvarez.

“Kung nashoot pa niya yung moneyball sa dulo, tabla pa kami. Kahit last rack, di ako kampante. ‘Di ako makapaniwala,” ayon sa dating Adamson University mainstay.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Natanggap ng one-time MPBL champion ang premyong P50,000.

Nagtabla sina Mikey Williams ng General Santos-Burlington at Garcia sa first round na may tig-19 puntos, ngunit nakaungos si Garcia sa tiebreaker.

Kumana namang ng tig 18 puntos sina San Juan’s John Wilson at Mikee Cabahug ng Navotas, habang kumana ng tig-15 puntos sina Rocky Acidre ng Bacoor at Rizal’s Jordan Rios.