MULING magbibigay ng parangal ang grupo ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa mga katangi-tanging mga sports personalities ng bansa sa pamamagitan ng SMC-PSA Annual Awards Night sa Marso 6 na gaganapin sa Cetennial Hall ng Manila Hotel.
Kabilang sa parangal na ipamamahagi ng PSA ay ang Ms at Mr. Volleyball na ibibigay sa mga kilalang magagaling na volleyball players na sina Cherry ‘Sisi’ Rondina at Bryan Bagunas.
Sina Rondina at Bagunas ay kapuwa nagwagi ng MVP awards sa pagtimon sa kani-kanilang mga ball clubs na University of Santo Tomas (UST) at National University (NU) ayon sa pagkakasunod sa UAAP volleyball finals.
Bukod pa dito ay kabilang din ang dalawang nabanggit na manlalaro sa pagkopo ng medalya ng Team Philippines sa nakaraang 30th Southeast Asian Games.
Ang 23-anyos na si Rondina na tubong Compostela, Cebu, ay siyang napiling parangalan sa award na unang binigay ng PSA kina 3-time awardee Alyssa Valdez, Mika Reyes, at si Dawn Macandili.
Sa kabilang banda ang 22-anyos na si Bagunas , sa parangalan na dati ring napasakamay ng kanyang kakampi sa NU na si Marck Espejo.
Ang nasabing special award na ibibigay kina Rondina at Bagunas ay dalawang lamang sa mga maraming parangal na ipagkakaloob ng PSA sa gabi ng parangal na suportado ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia at ng Rain or Shine.
Kabilang din pararangalan ang Team Philippines bilang Athletes of the Year sa pagkopon ng overall championship sa nakaraang 2019 SEA Games.
-Annie Abad