Ito ang naging pasya ng Philippine Sports Commission (PSC) sa nakahanay sanang malalaking events nito ngayong taon bunsod na rin ng banta ng novel coronavirus na laganap na sa buong mundo.

Humarap kahapon si PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mga mamamahayag, kasama sina Commissioner Ramon Fernandez, Charles Maxey at Arnold Agustin upang ipaliwanag ang kanilang naging aksyon.

“I called out this meeting for a very important reason. We are postponing our big events this year,” pahayag ni Ramirez.

Ayon kay Ramirez, nais lamang niya na masiguro na maingatan at mapangalagaan ang mga atleta at ang buong Pilipinas upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang sa mga malalaking events na pansamantalang hindi matutuloy ay ang Philippine National Games (PNG) na dapat sana ay sa Mayo, ang National Sports Summit ngayong Pebrero at ang 10th Asean Para Games maging ang mga serye Children’s Games na isinasagawa sa buong kapuluan.

Ang ASEAN Para Games na dapat sana ay nakatakda ngayong darating na Marso 20 hanggang 27 sa Subic at sa New Clark City.

Ang nasabing multi-sports event ay lalahukan sana ng 11 bansa sa buong rehiyon.

Bukod sa mga atleta na kalahok, may mga technical officials din na kasama para sa nasabing kompetisyon na magmumula sa iba’t ibang bansa sa rehiyon.

Sinabi pa nito na hindi niya umano gustong gawin ang nasabing aksyon ngunit kailangan ang ibayong pag-iingat upang makaiwas sa virus.

“We are worried. Extremely worried with the situation.Bakit ako naghihintay na may maging affected pa with this virus. We can call it out anytime basta gumanda Ang sitwasyon,” ayon pa sa PSC chief.

-Annie Abad