TAONG 2014 nagsimula ang relasyon nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, ang lead stars ng bagong teleseryeng Love Of My Life. At nananatiling matatag on its sixth year. Lahat ng uri ng pagsubok ay naranasan at nalagpasan ng dalawa. Ika nga, they have seen the worst and the best in each other.

Carla at Tom

Trust is a big factor sa kanilang relasyon. Never nangamba or nag-worry sa pagiging faithful ni Tom. At kung si Tom ang tatanungin ay wala ng iba pang babaeng mamahalin siya kundi si Carla.

Sa kaliwa’t kanang engagement at kasalang nagaganap sa showbiz wala ba silang balak magpakasal?

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Meron naman kaya lang ayaw naming padala sa kantiyaw ng mga kaibigan at ma-pressure. Getting married is a very serious matter and sacred. In the end ay kami din ang magde-decide. Darating ito sa tamang panahon at sa kagustuhan ng Panginoon.”

Parehong Katoliko sina Carla at Tom at isang bagay ang may katiyakan, it will be a Church not a beach wedding. Hindi nila ito itatago sa publiko dahil bahagi ng kanilang relationship ay utang nila sa mga tumatangkilik sa kanilang tambalan. It will be simple, intimate at nakasentro sa pamilya at hopefully. Dagdag ni Carla, “soon”.

Walang kaduda-duda na si Carla ang “Love Of My Life’” ni Tom.

-REMY UMEREZ