PINAHULAAN muna ng Century Tuna kung sino ang latest endorsers nila ng produkto nila na silhouette ng isang babae at isang lalaki ang lumabas sa kanilang social media accounts. Last Tuesday evening February 4, inilabas na rin nila kung sino ang The New Superbods, si Kapuso actor Alden Richards at Kapamilya actress Nadine Lustre.

Nadine at Alden

Kaya naman nag-trending agad ang post sa dalawa na first time lamang nagkatrabaho sa isang TV commercial. Maraming natuwa at magaganda ang comments nila sa post sa kanila.

Unang-una ay hindi raw nasayang ang work out at diet ni Alden, kaya raw pala kahit busy ito sa pagti-taping ng inspirational drama series niyang The Gift ay nakukuha pa niyang mag-work-out sa gym. Inggit sa kanyang katawan ang mga guys.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Humanga rin ang mga fans sa ganda ng katawan ni Nadine, ano raw kaya ang waistline ng actress? Parehong pinasalamatan ng mga fans sina Alden at Nadine na pumayag silang magkasamang maging new ambassadors. Binuo nila ang Team AlDine. Ang iba naman iginawa ng ibang poster sina Alden at Nadine na tinawag nilang AlaDine. Si Alden si Aladdin at si Nadine si Princess Jasmine.

At ang pinakahihintay na nilang mapanood kung ang TV commercial nina Alden at Nadine.

-NORA V. CALDERON